Nagsasagawa ng strategic planning workshop ang 46 na miyembro ng Parlamento na nahalal at kabilang sa majority bloc ng koalisyong pinamumunuan ng Bangsamoro Federalist Party o BFP bilang paghahanda sa pagbuo ng kauna-unahang regular na pamahalaang Bangsamoro.
Nakatuon ang workshop sa pagbalangkas ng mga pangunahing programa, polisiya at repormang isusulong sa unang 100 araw at sa susunod na limang taon ng bagong pamahalaan.
Layunin ng aktibidad na magtakda ng iisang direksyon at malinaw na prayoridad bago ang pormal na pagbubukas ng regular na Bangsamoro Parliament.
Sa pamamagitan nito, inaasahang maisasalin ang mga planong bubuuin sa mga konkretong hakbang at serbisyong mapakikinabangan ng mga mamamayan ng Bangsamoro.

















