Inilatag ng mga kandidato ng Bangsamoro Federalist Party o BFP ang kanilang mga pangunahing programa at paninindigan sa campaign rally na isinagawa sa Mapun, Tawi-Tawi kamakalawa, Setyembre 5, 2026.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga lokal na opisyal, kabilang sina Mayor Suraida F. Muksin, Vice Mayor Rambie T. Sadjiril, mga municipal councilor at barangay officials.

Kabilang sa nanguna sa pagtitipon sina BFP nominees at District Representatives Engr. Karwin H. Hamjani, MHSD Deputy Minister Aldin H. Asiri, Atty. Mandutong S. Jumianjang Jr., at 4th District Representative Nurmahadil K. Ahaja.

Sa kanilang mga pahayag, inilatag ng mga kinatawan ng partido ang mga isyung nais nilang tutukan at mga layuning nakatuon sa kalagayan at kapakanan ng mga residente ng Mapun at iba pang komunidad sa Bangsamoro.

Bahagi ang aktibidad ng mga isinasagawang campaign sorties ng BFP bilang paghahanda sa nalalapit na BARMM Parliamentary Election.