Isang CPL Raven D. Bulaclac a.k.a. Abdul Jaffar, 33 taong gulang, kasal, at miyembro ng 55th MIB, ang nasawi sa isang pamamaril sa Barangay Bandara-ingud, Pagayawan, Lanao del Sur, bandang 7:10 ng umaga, Enero 30, 2026.

Ayon sa ulat, habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo patungo sa Ganassi, biglang lumitaw ang hindi pa nakikilalang suspek at walang anumang dahilan, pinaputukan ang biktima nang paulit-ulit gamit ang mataas na kalibre ng baril. Tinamaan si CPL Bulaclac ng labinlimang (15) bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Natagpuan sa crime scene ang 7 empty shells ng caliber 5.56 at 1 empty shell ng caliber 45. Agad na siniguro ng Pagayawan MPS ang lugar at iniimbestigahan ang insidente. Inihatid ng mga kamag-anak ang labi ni CPL Bulaclac sa kanilang tahanan sa Barangay Ngingir para sa tamang Islamic burial rites.

Patuloy ang imbestigasyon ng Pagayawan MPS upang matukoy at mahuli ang suspek at maisampa ang kaukulang kaso.