Nakapagtala ang Philippine Statistics Authority o PSA-BARMM ng kabuuang 719 registered marriages sa Bangsamoro region mula Enero hanggang Oktubre 2025.
Batay sa provisional data ng ahensya, katumbas ito ng mahigit 0.27 percent ng lahat ng naitalang kasal sa buong bansa sa parehong panahon.
Pinakamarami ang naitalang kasal noong Pebrero na may 142, habang Oktubre naman ang may pinakamababang bilang matapos makapagtala ng isang registered marriage lamang.
Nanguna ang Maguindanao del Norte sa may pinakamaraming kasal na umabot sa 274 o 38 percent ng kabuuang bilang sa BARMM.
Samantala, nanguna rin ang Maguindanao del Norte sa may pinakamataas na bilang ng live births sa rehiyon matapos makapagtala ng 7,855 mula Enero hanggang Oktubre 2025.
Kasunod nito ang Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, at Tawi-Tawi.
Nilinaw naman ng PSA-BARMM na provisional pa lamang ang naturang datos at maaari pa itong mabago matapos ang validation at consolidation ng mga ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.

















