Nagpahayag ng kahayagan ng pagsuporta ang siyam na alkalde ng Maguindanao del Norte na kinabibilangan ng mga munisipalidad ng Northern Kabuntalan, Mother Kabuntalan, Parang, Buldon, Barira, Sultan Mastura, Datu Blah Sinsuat, Matanog at North Upi sa pagpopostpone o pagpapaliban hanggang sa 2026 ng kaunaunahang parliamentary elections ng rehiyong Bangsamoro.
Ngunit bago nila ipasa sa makipot at malapad na kapulungan ng kongreso ang kanilang manifesto at position sa naturang postponement hiniling naman ng mga ito na MILF led pa rin ang mamumuno sa rehiyon.
Pormal naman nilang naisumite sa dalawang kapulungan ang kanilang posisyon at panindigan sa nasabing usapin.