Nakatakdang magsagawa ng upgrading sa mga linya ng kuryente ang Cotabato Light sa darating Linggo, Agosto 16, 2026, bilang bahagi ng kanilang hakbang upang mapabuti ang reliability ng serbisyo ng kuryente.
Ayon sa power interruption advisory ng Cotabato Light, isasagawa ang naturang trabaho mula alas-sais ng umaga hanggang alas-tres ng hapon, o aabot sa siyam na oras.
Inaasahang maaapektuhan ng nakatakdang power interruption ang Barangay Bagua 2, Bagua 1, Bagua Mother, at Poblacion 6 sa Cotabato City.
Kasama rin sa advisory ang mga kalapit na lugar na maaaring maapektuhan ng pagkawala ng suplay ng kuryente habang isinasagawa ang upgrading ng mga linya.

















