Ipinaalala ni MILF Chairman Al-Haj Murad Ebrahim na nagpapatuloy ang laban ng Bangsamoro, hindi na sa pamamagitan ng armadong pakikibaka, kundi sa pagkakaisa, pagtitiyaga, at matatag na pagsunod sa adhikain ng Moral Governance.

Kasama si Commander Bravo, idineklara ni Ebrahim ang mahalagang tungkulin ng bawat Bangsamoro na panatilihin ang mga prinsipyo ng MILF at manatiling matatag sa patnubay ng Qur’an at ng Sunnah.

Giit ni Ebrahim, sa ilalim ng Moral Governance nakaugat ang tunay na pag-unlad at kapayapaan para sa buong Bangsamoro.