Nakatakdang pagsisimula ng klase sa Lunes sa Broce Central Elementary School sa Barangay Tamontaka at Sarilikha National High School sa Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, posibleng maapektuhan dahil kasalukuyan itong ginagamit bilang evacuation centers ng humigit isang libong pamilya na nag si likas mula sa Barangay Mompong, Linek, Badak at Kusiong dahil sa naganap na girian ng mga armadong grupo.
Sa nakalap na impormasyon ng Star FM News Team, ayon sa School Heads ng naturang mga paaralan binigyan na sila ng direktiba na maari silang gumamit ng Adaptive Learning Materials kung magpapatuloy ang kaguluhan sa mga lugar.
Kasalukuyang kinakaharap ng mga apektadong sibilyan ang suliranin sa mga palikuran at pag kukuhanan ng malinis na tubig.
Itinigil na rin muna ang Brigada Eskuwela sa dalawang paaralan, ngunit nag papatuloy parin ang pag tanggap ng mga enrollees. Kanila na ring inihahanda ang mga bakanteng silid-aralan, covered court na maaring maging pansamantalang classroom ng mga mag-aaral sa muling pagbabalik eskuwela.