Pumanaw na ang kapatid ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Bong Duterte.
Kinumpirma ng pamilya na binawian ng buhay si Bong Duterte nitong Biyernes, Pebrero 6, 2026. Hindi pa isinapubliko ang detalye hinggil sa sanhi ng kanyang pagpanaw.
Inilarawan siya ng pamilya at malalapit na kaibigan bilang masayahin at magaang makasama. Matatandaang noong nakaraang taon ay binisita rin ni Bong Duterte ang dating pangulo sa The Hague, Netherlands.

















