Patay ang isang suspetsadong magnanakaw ng motor matapos manlaban sa autoridad sa lungsod.

Kinilala ang nanlaban patay na si Yasser Tigtigan, residente ng bayan ng Datu Piang Maguindanao Sur at kasalukuyang nanunuluyan sa Nayon Shariff, RH3 nitong lungsod.

Ayon sa ama nito na si Yusop, wala syang kaalam alam sa iligal na transaksyones ng kanyang anak ngunit umamin ito na kagagaling lang ang anak nito sa kulungan. Wala nang magawa ang ama ng biktima kundi tanggapin ang kapalarang inabot ng kayang anak.

Nabatid sa ulat na may nagsumbong sa kapulisan kaugnay sa pagtangay ng suspek sa isang motor at ng magsagawa ng hot pursuit operations ang mga autoridad kaninang tanghali sa Zone 2 ng RH 3, nanlaban ang suspek dahilan upang gumanti ang kapulisan na dahilan ng kamatayan nito.

Nakatakda namang dalhin sa Datu Piang ang katawan ng suspek upamg mabigyan ng libing na alinsunod sa tradisyon ng Islam.