Nakatanggap ng relief goods ang mga pamilyang naapektuhan ng kaguluhan sa Barangay Pagangan, Aleosan, Cotabato, sa isinagawang community outreach program ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army, katuwang ang lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno.

Isinagawa ang pamamahagi kamakalawa noong November 18, sa Bagolibas, Aleosan, upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang pansamantalang lumikas dahil sa sigalot sa kanilang komunidad.

Bahagi ang aktibidad ng pagtugon ng mga kinauukulang ahensya sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng sigalot sa pamamagitan ng koordinasyon sa paghahatid ng tulong.