PATULOY na pinaghahanap ang isang lalaki sa Kabacan, Cotabato matapos itong sumama sa kanyang tropa na magbebenta lang sana ng motosiklo sa Brgy. Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Sa panayam, sinabi ng kaanak ng biktima na hindi na nakauwi pa sakanilang tahanan simula nitong Hulyo 10, 2024 ang kinilalang si Hamodi Salambat Languiban, 23 anyos, matapos na sinamahan ang tropa nitong si Jamier Blaim Mama.

Nitong Hulyo 13, napag-alaman ng kaanak ni Hamodi na patay na ng matagpuan si Jamier Blaim Mama sa Lanao Del Sur.

Lubos na ikinalungkot ng kaanak ni Hamodi Salambat Languiban ang sinapit ng kaibigan nito at pinangangambahan ang kaligtasan ng kanilang kaanak. Minarapat din ng pamilya na ireport at makipag-ugnayan na sa mga otoridad upang mas mabilis na matuntunon ang kinaroroonan ni Hamodi.