Ipinatupad ng City Health Office sa pamamagitan ng kanilang Anti-Smoking Team ang mas pinaigting na kampanya laban sa paninigarilyo sa pampublikong sasakyan noong Oktubre 2, 2025. Isinagawa ito sa pamamagitan ng pagkakabit ng Smoke-Free Environment Ordinance stickers sa iba’t ibang pampublikong sasakyan sa lungsod.
Ginanap ang aktibidad sa City Plaza of Cotabato kasama ang mga Drivers Association, Public Utility Vehicle (PUV) members, at ang Cotabato City Traffic and Transport Management Council (CTTMC) sa pamumuno ni Chief Moin M. Nul.
Bahagi ito ng pagpapatupad ng City Ordinance No. 4581 o mas kilala bilang Smoke-Free Environment Ordinance of Cotabato City, na naglalayong tiyakin ang kaligtasan at kalusugan ng publiko laban sa masamang epekto ng paninigarilyo.
Muling ipinaalala ng mga awtoridad na mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa loob ng mga pampublikong sasakyan, lalo na’t araw-araw ay direktang nakakasalamuha ng mga tsuper at pasahero ang mas nakararami.