Umabot sa halagang P1,536,913.00 o 225 grams na timbang ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa lungsod ng Cotabato para sa 26 days na sunod-sunod na buys-bust operasyon ng Cotabato City Police Office o CCPO na kinabibilangan ng Police Station 1, Police Station 2, Police Station 3, Police Station 4 at ang City Police Drug Enforcement Unit o CPDEU mula July 1 hanggang July 26, 2024.

Ang 226 grams na shabu ay mula (15) labing limang suspetsado na naaresto ng CCPO.

Ayon sa naging report ng ahensya, Police Station 1 ang may pinakamaraming nasabat na umabot sa P1,519,240, sinundanan naman ng Police Station 3 na nakakumpiska ng aabot sa P12,755, sunod ang CPDEU P2,762, Police Station 4 P1,380 at panghuli ay ang Police Station 2 na nakalambat ng P777.

Patuloy parin ang panawagan ng Philippine National Police na iwasan ang pinagbabawal na droga upang maiwasan ang pagkasira ng buhay at hindi pag-abot ng pangarap.