Patay ang isang binatang estudyante matapos na barilin sa bahagi ng Barangay Damalusay sa bayan ng Datu Paglas Maguindanao Sur kahapon ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang nasawing si Johnrey Dangan, 23 at nakatira sa nasabing barangay at bayan.

Nagtamo ng tama ng bala sa leeg at dibdib na dahilan ng agarang kamatayan ng biktima.

Narekober sa pinangyarihan ang basyo ng kalibre 45 pistola.

Sa ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya ng Datu Paglas sa nasabing insidente at pagkakasawi ng binata.