Sumurender sa pamunuan ng 7th Infantry Battalion ang isang kumander at labin-anim pa nitong mga kasamahan sa Barangay Lagandang, Isulan, Sultan Kudarat.
Ayon kay 7th IB Commander Lt. Col. Tristan Rey Vallescas, ang nasabing pag surrender ng labing-pitong mga indibidwal mula sa armadong grupo ay nag resulta ng mas pinaigting pa na pagbabantay ng mga militar upang masiguro ang seguridad sa lugar kung saan naganap ang tension.
Kasabay ng nasabing pag suko ay sya ring pag suko nila ng kanilang mg matataas na kalibre ng armas. Kabilang sa mga armas na naisuko ay labing-siyam na M16A1, anim na M14, tatlong Bushmaster Carbine, isang M60 General Purpose Machine Gun, isang set ng Cal.50 Heavy Machine Gun, Cal. 30 BAR, Cal. 50 rifle, tatlong AK47, isang UZI M11, Cal.50 Heavy Machine Gun, mga bala at magazines.
Samantala, bago pa ang nasabing pagsuko ay nauna ng nasamsam ng mga operatiba ng Joint Task Force Central sa isinagawang clearing operations ang ipa pang mga kagamitang pandigma na di umano ay itinago ng mga tumakas na mga armado sa bulubunduking bahagi ng naturang lugar at sa ilalim ng tubig.
Nagpapatuloy parin ang ginagawang pagbabantay at pagtitiyak ng militar at otoridad sa seguridad ng lugar upang masigurong wala ng mangyayari pang tensyon sa lugar na nagdudulot ng takot sa mga sibilyang nag silikas. Hindi na rin muna pinangalanan ng militar ang kumander na sumuko para na rin sa seguridad ng mga ito.