Arestado ang Rank 1 Most Wanted Person sa Maguindanao del Norte matapos ang isinagawang service of warrant of arrest ng mga pulis bandang alas-5:00 ng umaga, Nobyembre 5, 2025, sa Sitio Dikogen, Barangay Tanueil, Datu Odin Sinsuat.
Kinilala ang suspek na si alyas Eron Watamama”, residente ng nasabing lugar, na may kasong murder.
Sa ulat ng Datu Odin Sinsuat MPS, nang dumating ang mga operatiba, bigla umanong bumunot ng baril ang suspek at nagpaputok laban sa mga pulis. Gumanti naman ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkasugat ng akusado.
Agad itong isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).
Kasama ring naaresto sa operasyon si alyas Datu, welder at residente rin ng lugar.
Narekober mula sa mga suspek ang ilang matataas na uri ng armas, mga bala, improvised shotgun, at mga sachet ng hinihinalang shabu.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Datu Odin Sinsuat MPS sa tulong ng SAF, MDN PPO, MDN PMFC, RMFB14A, at MBLT5.
Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiya ng DOS MPS habang patuloy namang ginagamot si isang nasugatan sa ospital.

















