Patay ang bisor ng isang bus lines matapos barilin ito sa East Patadon sa lungsod ng Kidapawan habang naghihintay ng bus sa harap ng Agriculture Office ng nasabing lugar.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Uyangguren, may asawa, nagtatrabaho bilang bisor ng Mindanao Star Bus at residente sa lungsod ng Davao.

Inaalam pa ngayon sa pamamagitan ng masinsinang imbestigasyon ng kapulisan ang puno’t dulo maging ang motibo ng suspek sa naganap na pagpatay kay Uyangguren.