Inaresto ng Matalam Municipal Police Station Tracker Team noong Disyembre 9, 2025, ang isa sa kanilang Top 1 Most Wanted Person na kilala sa alyas na “Rod,” 38 taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng Barangay Manupal, Matalam, Cotabato.
Ayon sa ulat, ang pag-aresto ay isinagawa sa pangunguna ni PLTCOL Arniel C. Melocotones, hepe ng Matalam MPS, kasama ang mga tauhan mula sa North Cotabato Provincial Highway Patrol Team at CIDG 12 North Cotabato. Ang suspek ay may nakabinbing kaso ng Frustrated Murder sa ilalim ng Criminal Case No. 25-134, na inisyu ni Hon. Jocelyn M. Alibang-Salud, Presiding Judge ng RTC, 12th Judicial Region, Branch 22, Kabacan, North Cotabato noong Hunyo 19, 2025. Nakasaad sa warrant ang rekomendadong piyansa na ₱200,000.
Binigyan ng malinaw na paliwanag ang suspek tungkol sa mga kaso at warrant bago siya dinala sa Matalam MPS para sa dokumentasyon at angkop na disposisyon ng batas.

















