Naharang ng mga operatiba ang dalawang kalalakihan sa isang National Highway sa bayan ng Ampatuan pasado alas otso kagabi dahil sa bitbit nitong shabu.

Kinilala ni Ampatuan MPS Chief PCapt. Guissepe Tamayo ang mga suspek na sina alyas Bryan at Jojar na residente ng General Santos City at Polomolok South Cotabato.

Habang dumadaan sa kanilang checkpoint ang mga suspek na sakay ng motorsiklo na walang headlight ang dalawa, dito na sila isinailalim sa body search.

Tumambad naman sa mga operatiba ang tatlong piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng suspetsadomg shabu na nagkakahalaga ng 51,000.00 at iba pang drug paraphernalias.

Kulong ngayon ang dalawa sa paglabag ng RA 9165 o ang The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.