Naiuwi ng isang batang Moro ang gintong medalya sa kauna-unahang International Nuclear Science Olympiad (INSO) sa lalawigan ng Pampanga na inorganisa ng DOST- Philippine Nuclear Research Institute.
Si Mohammad Nur Casib, iskolar ng Philippine Science High School – Central Mindanao Campus ay hinirang din bilang “Nuclear Science Ambassador” dahil sa nakuhang pinakamataas na iskor sa nasabing paligsahan.
Biglang Nuclear Science Ambassador, gagampanan ni Casib ang pagtataguyod ng siyensyang nuclear at maging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng siyentista at mga inhinyero.
Ang paligsahan ay nilahukan ng limampu’t lima (55) na mga mag-aaral mula sa labing apat (14) na bansa mula sa Asia-Pacific region.