Kinundena ng alkalde ng siyudad ng Cotabato ang nangyaring paghagis ng granada sa isang establisyemento sa Barangay RH-13 kaninang umaga.

Kaagad na ipinag-utos ni Mayor Bruce Matabalao sa pulisya ang malalimang imbestigasyon sa krimen upang mapapanagot ang may pagkakasala dito.

Umapela naman ang alkalde sa mga kinauukulang ahensya partikular na sa PRO-BAR, CIDG, NBI at Militar na tumulong at makialam sa imbestigasyon.

Pinag-iingat naman ni Matabalao ang lahat ng mamamayan nito sa lungsod na maging mapagmatiyag at mapanuri sa kapaligiran maging sa loob at labas ng kanilang tahanan.

Ayon pa kay Matabalao, hindi mahihigitan ng anumang pagpapaliwanag ang ginagawang kasamaan na ito ng mga suspetsado.

Sa huli, ani Matabalao ipinapanalangin nito ang lungsod at managot nawa ang mga kriminal na sumisira sa kapayapaan ng siyudad ng Cotabato.

Photo credits to: Kutangbato News