Si topnotcher South Upi Councilor Alberto Estorninos ang papalit bilang bagong bise alkalde ng bayan matapos na mapatay sa pananambang ang bise alkalde na si Vice Mayor Roldan Benito kamakalawa.
Nakasaad sa rule of succession na itinatakda ng konstitusyon na ang unang halal na konsehal ng bayan o lungsod ang automatikong papalit sa pangalawang punong bayan o presiding officer sa oras na ito ay magbitiw o masawi sa kanyang panunungkulan.
Ayon kay South Upi Mayor Reynalbert Insular, mababakante naman ang isang upuan para sa konsehal at ikukunsulta nya pa ito sa kanilang gobernador na si Maguindanao Sur Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Posibleng manggaling din aniya sa pamilya ng napaslang na bise alcalde ang magiging bagong konsehal ng South Upi ayon kay Insular.