Umapela si Environment Natural Resources and Energy Minister Akmad Brahim sa publiko na tumulong sa kanila na magtanim ng mga punong kahoy upang makaiwas sa anumang panganib na dulot ng kawalan ng mga puno sa lupain tulad ng pagkakabitak-bitak, pagguho maging ang landslides sa oras ng tag-ulan.
Ang mga puno kasi at ang ugat nito ang siyang sumisipsip ng tubig sa lupa upang di ito gumuho o mawasak ang land surface na syang nagiging dahilan ng landslide.
Ginawa ni Brahim ang panawagan kasunod ng mga naganap na serye ng pagbaha at pagguho ng lupa sa rehiyon na kumitil ng buhay at sumira ng mga bahay maging mga ari-arian sa rehiyon.
Nangunguna din aniyang sanhi ng mga ganitong trahedya sa panahon ng kalamidad ang kawalan ng punong kahoy dahil sa deforestation o walang habas na pagpuputol ng puno sa mga kagubatan.