Tiklo ang isang lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation ng City Police Station 3 sa bahagi ng kalye Concepcion, MB Tamontaka Cotabato City.
Kinilala ang suspek na si Nor-Ali Kusain alyas Lot na residente sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao Norte.
Sa ulat ng kapulisan, nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang small plastic sachet ng suspetsadong shabu na nagkakahalaga ng 1,000.00 habang nabawi naman ang perang ginamit sa operasyon bilang buy-bust money.
Kulong sa paglabag sa RA 9165 at kasalukyang nasa kustodiya ng Police Station 3 ang suspek.