Nahuli ang isang manyakis ng mga operatiba ng CIDG-BAR ng ihain ang arrest warrant sa kanya sa kasong panghahalay sa kalye ng Aujero sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.

Kinilala ng CIDG-BARMM ang manyakis na si Gemmar Petiluna, 18 anyos na taga RH-8 sa lungsod ng Cotabato. Ang suspek ay may mandamiento de aresto na inilabas ng korte nito lamang Agosto 13 ay bunga ng Statutory Rape at walang rekomendadong piyansa.

Sinabi pa ng CIDG na ang suspetsado ay may ranggong pang sampu (10) sa Regional Level- Most Wanted Person ng PNP sa rehiyon at pangatlo (3) naman sa siyudad na lebel ng mga most wanted sa lungsod ng Cotabato. Kulong na ang manyakis sa detention cell ng CIDG-BARMM.