Nakaranas ng pansamantalang pagkaantala sa suplay ng tubig, mula mahinang pressure hanggang sa walang tubig, ngayong Miyerkules, Pebrero 25, 2026 ang mga konsyumer ng Metro Cotabato Water District.
Ayon sa pamunuan ng MCWD, pansamantalang nag-shutdown ang Macaguiling Bulk Water Supply Plant na pag-aari at pinatatakbo ng Mactan Rock Industries, Inc. katuwang ang TGV Builders dahil sa mataas na turbidity.
Pansamantala ring itinigil ang operasyon ng Tanuel Pumping Station bunsod ng unbalanced voltage.
Apektado ng water interruption ang lahat ng service areas ng MCWD.
Pinayuhan ang publiko na mag-imbak ng sapat na tubig habang inaayos ang mga teknikal na problema upang maibalik sa normal ang suplay.

















