Nakaranas ng pansamantalang pagkaantala sa suplay ng tubig, mula mahinang pressure hanggang sa walang tubig, ngayong Miyerkules, Pebrero 25, 2026 ang mga konsyumer ng Metro Cotabato Water District.
‎
‎Ayon sa pamunuan ng MCWD, pansamantalang nag-shutdown ang Macaguiling Bulk Water Supply Plant na pag-aari at pinatatakbo ng Mactan Rock Industries, Inc. katuwang ang TGV Builders dahil sa mataas na turbidity.
‎
‎Pansamantala ring itinigil ang operasyon ng Tanuel Pumping Station bunsod ng unbalanced voltage.
‎
‎Apektado ng water interruption ang lahat ng service areas ng MCWD.
‎
‎Pinayuhan ang publiko na mag-imbak ng sapat na tubig habang inaayos ang mga teknikal na problema upang maibalik sa normal ang suplay.