Nagpahayag ng pakikiramay si Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao O. Mastura sa pagpanaw ng isang 11-anyos na mag-aaral-atleta mula sa Lamitan City na lumahok sa BARMMAA Meet 2026 sa Parang.
Ayon sa Gobernador, nakikiisa ang pamahalaang panlalawigan sa matinding pagdadalamhati ng pamilya at buong komunidad ng Bangsamoro.
Batay sa paunang ulat, naganap ang insidente sa loob ng billeting area kung saan umano’y nabulol ang batang atleta habang kumakain.
Tiniyak ni Mastura ang agarang pagbibigay ng tulong at suporta sa pamilya sa pakikipagtulungan ng mga organizer at iba pang kinauukulang ahensya.
Binigyang-diin din ng opisyal ang kolektibong responsibilidad sa pagtiyak ng kaligtasan at kapakanan ng bawat batang kalahok sa mga aktibidad sa lalawigan.
Nanawagan naman ang Gobernador sa publiko na mag-alay ng panalangin, pakikiramay at pagkakaisa para sa naulilang pamilya sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.
Dagdag pa nito, mananatiling buhay sa alaala ang dedikasyon at pangarap ng nasawing batang atleta bilang bahagi ng diwa ng BARMMAA.

















