Muling iginiit ng Moro Islamic Liberation Front Central Committee na ang tanging kinikilala nitong opisyal na partidong pampulitika ay ang United Bangsamoro Justice Party.
Ayon sa inilabas na policy statement, ang sinumang opisyal o kasapi ng MILF na sasapi o magiging kandidato ng ibang partido maliban sa UBJP ay agad ituturing na nasa indefinite leave.
Nilinaw ng MILF na maaari lamang hindi ipataw ang nasabing parusa kung magsusumite ang apektadong miyembro ng makatwirang nakasulat na paliwanag sa Central Committee.
Dagdag pa ng MILF, ang pinal na desisyon sa bawat kaso ay ibabatay sa masusing deliberasyon ng kanilang Central Committee.
Nilagdaan ang dokumento ni Al Haj Murad Ebrahim bilang Chairman ng MILF.

















