Dinumog ng tinatayang mahigit sampung libong residente ang pagbisita ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua sa bayan, bilang bahagi ng kanyang pinalakas na pag-iikot sa rehiyon.

‎Kasabay ng pagdating ng Chief Minister, muling umigting ang aktibidad pampulitika sa lugar makaraang maghain ng kandidatura si dating GSKP Mayor Rafsanjani “Bimbo” Ali bilang kinatawan ng ika-limang distrito ng lalawigan.

‎Ayon sa pamahalaang Bangsamoro, layunin ng pagbisita ni Macacua na direktang tukuyin ang mga pangangailangan sa komunidad at mapabilis ang paglatag ng mga prayoridad na programa at proyekto.

‎Ipinakita rin sa pagtitipon ang malakas na suporta ng mga residente sa kasalukuyang pamunuan, kasabay ng panawagan para sa pagpapatuloy ng mga inisyatibang pangkaunlaran sa lugar.

‎Bahagi ang hakbang ng Chief Minister sa pinaigting na ugnayan ng regional government sa mga lokal na pamayanan, lalo na sa gitna ng paghahanda para sa nalalapit na halalang parlyamentaryo.

‎Samantala, nagpahayag ng pasasalamat si dating Mayor Ali sa pagbisita ni Macacua at sa patuloy umanong pagtutok nito sa kapakanan ng mga residente ng kanilang bayan.