‎Nakapagtala ang Philippine Statistics Authority o PSA-BARMM ng kabuuang 719 registered marriages sa Bangsamoro region mula Enero hanggang Oktubre 2025.

‎Batay sa provisional data ng ahensya, katumbas ito ng mahigit 0.27 percent ng lahat ng naitalang kasal sa buong bansa sa parehong panahon.

‎Pinakamarami ang naitalang kasal noong Pebrero na may 142, habang Oktubre naman ang may pinakamababang bilang matapos makapagtala ng isang registered marriage lamang.

‎Nanguna ang Maguindanao del Norte sa may pinakamaraming kasal na umabot sa 274 o 38 percent ng kabuuang bilang sa BARMM.

‎Samantala, nanguna rin ang Maguindanao del Norte sa may pinakamataas na bilang ng live births sa rehiyon matapos makapagtala ng 7,855 mula Enero hanggang Oktubre 2025.

‎Kasunod nito ang Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, at Tawi-Tawi.

‎Nilinaw naman ng PSA-BARMM na provisional pa lamang ang naturang datos at maaari pa itong mabago matapos ang validation at consolidation ng mga ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.