‎Binigyang-diin ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman at United Bangsamoro Justice Party (UBJP) President Al Haj Murad Ebrahim na ang paglilingkod sa mamamayan at pagsunod sa kalooban ng Allah ang pangunahing layunin ng kanilang pakikibaka mula pa noong sila ay sumali sa rebolusyonaryong kilusan.

‎Sa isang pahayag na ibinahagi sa social media, sinabi ni Murad na hindi kapangyarihan o pansariling interes ang naging “motivation” ng kanilang pakikibaka kundi ang hangaring makapaglingkod sa mga tao.

‎Ayon kay Murad, ang esensya ng kanilang naging adhikain ay nakatuon sa serbisyo publiko at pananampalataya.

‎“Wala kaming ibang pinangarap noong sumali sa rebolusyon kundi ang magserbisyo sa mga tao. Basically, it is service to the people and service to Allah (SWT),” ani Murad.


‎Ang pahayag ay inilabas sa gitna ng mga patuloy na usaping pampulitika sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at mga pagbabago sa hanay ng ilang lider at partido sa rehiyon.