Binuksan na ang pagdiriwang ng ika-67 Araw ng Cotabato kasabay ng paggunita sa ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa isinagawang programa sa lungsod.
Ang pagdiriwang ay hudyat ng pagsisimula ng mga aktibidad para sa anibersaryo ng pagkakatatag ng Cotabato bilang isang lungsod at pag-alala sa makasaysayang deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas.
Sa panayam, nagpaabot ng pagbati si Bangsamoro Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua sa mga residente ng Cotabato City at sa lahat ng Pilipinong nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
Ayon kay Macacua, mahalagang gunitain ang sakripisyo at pakikibaka ng mga naunang henerasyon upang makamit ang kalayaan ng bansa.
Binigyang-diin din nito ang kahalagahan ng pagkakaisa, katatagan, at pagtutulungan ng mga Pilipino sa pagharap sa iba’t ibang hamon at suliraning kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.

















