COTABATO CITY — Tinatayang halos 8,000 katao ang dumalo sa campaign kickoff ng Bangsamoro Federalist Party o BFP ngayong Sabado ng hapon, August 8, 2026 sa CSU Gymnasium, sa isang malaking pagtitipon na hudyat ng pagsisimula ng kampanya ng partido sa Cotabato City.

Halos mapuno ang buong gymnasium habang masusing nakinig ang mga dumalo sa mga talumpati ng mga BFP candidates, nominees, at piling panauhin na naglahad ng kanilang mga mensahe at pananaw para sa Bangsamoro.

Kabilang sa mga panauhin si Cotabato City Mayor Bruce Matabalao, kasama ang iba pang mga opisyal at lider ng BFP.

Sa pamamagitan ng campaign kickoff, layunin ng partido na mas mailapit sa mga Bangsamoro, lalo na sa mga Cotabateño, ang kanilang adbokasiya at panawagan para sa pamumunong inklusibo—isang pamahalaang walang maiiwan at may malasakit sa bawat Bangsamoro.