Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ng Sabado, ugust 15, 2026 sa Barangay Bagua 1, Cotabato City ang General Assembly ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP Cotabato City District 2.
Dumalo sa nasabing aktibidad si UBJP Cotabato City District 2 Representative Zahruhmin Midtimbang.
Aabot naman sa 1,101 ang bilang ng mga tagasuporta ng partido na dumalo sa aktibidad, batay sa bilang na naitala alas-8:20 ngayong umaga.
Tampok din sa aktibidad ang Voter’s Education na naglalayong magbigay ng kaalaman sa mga botante kung paano bumoto sa nalalapit na BARMM Parliamentary Election.

















