Nagtungo ngayong Linggo, August 16, 2026, si Datu Odin Sinsuat Mayor Baba Abas sa lugar kung saan tinambangan ang convoy ni BARMM Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua sa Barangay Bitu.

Kasama ni Abas ang mga tauhan ng Philippine National Police at militar sa pag-iinspeksyon sa lugar, bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa insidente.

Layunin ng imbestigasyon na matukoy ang mga nasa likod ng pag-atake, gayundin ang motibo sa pamamaril sa convoy ng Chief Minister.