Arestado ang isang 44-anyos na lalaki na itinuturing ng mga awtoridad na targeted drug personality sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Santan, Barangay Poblacion, Pikit, Cotabato.
Isinagawa ang operasyon dakong alas-1:30 ng hapon kahapon Setyembre 30 ng PDEA Region 12-Cotabato Provincial Office, kasama ang Pikit Municipal Police Station bilang joint operating unit.
Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na Bidok, residente ng Purok San Francisco, Barangay Ladtingan, Pikit, Cotabato.
Narekober umano sa operasyon ang isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may standard drug value na 18,360 pesos, gayundin ang 500-peso bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

















