Alhamdullilah!

Yan ang naging buod ng post ni Sultan Kudarat Town Vice Mayor Datu Shameem Mastura sa facebook nito matapos na ibahagi nito ang larawan nina UBJP President Ahod Ebrahim, Mayor Datu Tucao Mastura, MP Ishak Mastura at ibang Mastura Officials na nakasenyas ng UBJP sign.

Matatandaan na kamakailan ay sinabi ni Ebrahim sa pahayag nito na sila ay umaasang magkaroon ng political helpings o tulungan ng nasabing alkalde.

Nagdeklara na kamakailan lang ng kanyang naising tumakbo na gobernador sa lalawigan ng Maguindanao del Norte ang nasabing alkalde. Sa ngayon, di pa batid kung paano sila magtutulungan sa darating na halalan.