Kasalukuyang inoobserba sa lungsod ng Cotabato ang Global Handwashing Day o ang pandaigdigang araw ng tamang paghuhugas ng kamay.
Kaalinsabay nito, pinatunog ang sirena kaninang alas siyete y mediya ng umaga hudyat upang pasimulan ang nasabing pagobserba ng araw na ito.
Idineklara ang Oktubre 14 bilang Global Handwashing Day upang ipromote o ipalaganap ang kahalagahan ng tamang paghuhugas ng kamay upang makaiwas sa mga sakit maging epidemiya na dulot ng ating mga maruming kamay.