Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Biyernes, March 20, 2026 bilang regular holiday sa buong bansa bilang paggunita sa Eid al-Fitr, na hudyat ng pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan ng mga Muslim.

Ginawa ng Pangulo ang anunsyo habang nakikiisa siya sa mga miyembro ng Muslim community at iba’t ibang lider mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa ginanap na Grand Iftar sa Malacañang Palace.

Ayon kay Usec. Claire Castro, Palace Press Officer, layunin ng deklarasyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga Muslim na maipagdiwang ang mahalagang okasyon kasama ang kanilang pamilya at komunidad.

Ang Eid’l Fitr ay isang mahalagang pagdiriwang sa Islam na sumisimbolo sa pagtatapos ng pag-aayuno sa loob ng isang buwang Ramadan at panahon ng pasasalamat, pagbibigayan, at pagkakaisa.