Naaresto na ng magkasanib na pwersa ng CIDG at Militar ang isa sa pangunahing suspek na may koneksyon sa pambobomba sa Mindanao State University sa lungsod ng Marawi base sa kumpirmasyon ng PRO BAR sa mga kawani ng midya.
Ayon sa ulat, isinagawa ang pinagsamang operasyon na tinawag na Oplan Pagtugis na pinamunuan ng mga nabanggit na magkatuwang na nagbunsod sa pagkakaaresto kay “Lapitos” na pinaniniwalaang kasapi ng ISIS International Terror Group na Dawlah Islamiyah Maute Group.
Ang grupo na mula sa CIDG- Lanao Del Sur at 2nd Mechanized Infantry Brigade Armor Division ng Philippine Army Infantry Brigade ang naging magkatuwang sa operasyon sa koordinasyon ng mga ahensya ng autoridad.
Si Lapitos na kilala bilang Arsani Membesa at mga alyas Kathab at Hatab ay naaresto bandang hapon ng Oktubre 16 sa Maria Cristina, Iligan City Lanao Norte.
Hinuli ito sa paglabag sa Section 4 ng Republic Act 11479 o ang Anti Terrorism Act of 2020.
Natukoy din si Lapitos bilang isa sa utak at promotor sa pambobomba ng MSU Dimaporo Gym noong Disyembre 3, 2023 sa pamamagitan ng paglalagay nito ng improvise explosive device sa gitna ng gymnasium at pagpapasabog naman nito habang may misa na nagaganap noong panahong iyon na kumitil ng 4 na buhay at sumugat ng 57 na katao.
Naganap ang naturang pambobomba sa Catholic activity ng mga katolikomg guro at estudyante sa lugar ng sumabog ang IED na nakalagay sa isang bag ng kasama ni Lapitos na si alyas Khadaffy Mimbesa na may alyas pang Engineer.
Si Engineer ay napatay noong Enero ng taong ito sa isang follow up operation ng 103rd army troops sa Lanao del Norte.