Ipinagtibay na ng Bangsamoro Parliament ang resulusyon na humihiling sa mga kinatawan ng malapad at makipot na kapulungan ng kongreso na palawigin pa ang transition period ng BARMM mula 2025 hanggang 2028.
Nilalayon ng nasabing resolusyon na ipagpaliban ang kaunaunahang regular na eleksyong pangparliamento ng rehiyon na orihinal na magaganap ngayong 2025 upang mapagbigyan ang lahat ng mga stakeholders na makapaghanda para sa tinatawag na smooth democratic transition.
Sa ulat ng kumite na iprinisenta ni Floor Leader at Committee on Rules Chairman MP Sha Dumama Alba, kung sakaling mapagbigyan ng dalawang kapulungan ang kanilang kahilingan, magiging epekto nito ay ang pagkakaroon ng karagdagang panahon upang malutas ang mga legal na isyu na nakaapekto sa isasagawang halalan, mas maitataguyod ang mas malawak na pagsali ng mga partido pulitikal at pagpapahusay ng pangunawa ng mga botante sa bagong proseso ng pagboto.
Ponente ng nasabing resolusyon si MP Baintan Ampatuan at inaasahan nila na mapapakinggan ito ng mga nasa malawak at makipot na kapulungan ng kongreso ng bansa.