Limang indibidwal ang napaulat na patay sa magkakahiwalay na tala ng pamamaril kahapon ng umaga sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte. Ayon kay PltCol. Samuel Subsuban, naitala ang unang pamamaril sa nagmamaneho ng tricycle na si Abdulrahim Mangundatu, 16 anyos na nakatira sa Old Market Site ng Poblacion Dalican.
Mabilisan namang tumakas ang suspek na guardya ng isang Telco tower sa lugar na si Alrashid Untong patungong Sitio Cocofed ng barangay at pinaputukan naman ang noon ay walang malay at nakatambay lang na si Nasser Halid na namatay din kinalaunan kasama ng humabol nitong kamaganak kay Untong na pinagbabaril din at patay.
Pagsapit naman ng pasado alas 11 ng umaga, sagupaan naman sa pagitan nina Suharto Antong at Solaiman Maulana ang naganal na kapwa nila ikinasawi. Nag-ugat ang sagupaan ng dalawa matapos na sitahin ni Maulana ang suspek dahil sa sintunado nitong pagkanta na ikinainit ng ulo nito at binaril si Solayman na nakaganti naman sa suspek.
Kinuha naman na ng kanilang mga kaanak ang mga bangkay ng mga ito sa ospital na pinagdalhan upang mailibing alinsunod sa tradisyon ng Islam.