Sa kabila ng mga tao na nagpahayag ng kanilang pagnanais na ampunin si Baby Joshua, agad namang nagbigay linaw ang Makilala MSWDO na si Lina Canedo na may karapatan pa rin ang ina nito lalo’t lumantad at natukoy na ang pagkakakilanlan nito.
Ayon kay Canedo, kung ang pag-aampon ay hindi madaling proseso, hindi rin magiging madali aniya sa nanay nito ang magpatunay na karapatdapat nya bang ikostodiya at alagaan ang anak na una na nitong inabandona.
Kailangan aniyang dumaan sa parenting capability assessment at serye ng psychosocial intervention ang nanay upang di nya mailagay sa alanganin ang kanyang anak.
Bukod pa ito sa kailangang maging legally available for adoption ang bata bago ito maampon at mahaba ang proseso ng naturang usapin.
Magiging deciding factor ang magiging desisyon ng nanay kung aalagaan o ipaampon na lang nito ang kanyang anak.
Hindi naman nila ito minamadali lalot maselan pa ang dinaranas nito na kondisyon.
Sumasailalim na sa debriefing at psychosocial intervention ang ina at nakatakda naman itong kitain ng MSWD Makilala para naman sa karagdagan pang intervensyon.