Para di na maulit pa ang insidente na nagabandona sa kawawang bata na si Baby Joshua, nakaisip ng hakbang ang Pangul o ng Makilala Institute of Science and Technology o MIST na si Dr. Gerardo Rigonan na isailalim sa akreditasyon ang mga dormitoryo na nakapaligid sa paaralan.

Ito ay upang matugunan na din ang mga problema sa patagong pagbubuntis ng ilang babaeng estudyante na ang iba pa ay humahantong sa pag-abandona o pagpapalaglag ng bata.

Kaya upang masiguro na namomonitor nila ang mga ito, plano din nilang suriin ang mga dormitoryo at nagsisilbing boarding house para masuri ang kalagayan nito at macontact trace ang mga nagbubuntis at mga sangkot sa iregularidad tulad ng ipinagbabawal na gamot bukod pa sa dapat at PWD friendly at kumpleto sa pasilidad ang mga dormitoryo.

Kung hindi man makapapasa, hindi nila ito iaaccredit at isusuplong pa nila ito sa LGU upang hindi mabigyan ng permiso sa paghahanapbuhay o business permit.

Samantala, may mga ulat ding nakarating sa kanila na may mga ilang mag-aaral ang tumatangkilik diumano ng marijuana online na ipinapaimbestigahan na nila sa kapulisan.

Maliban sa mga nakasanayan nang rekesitos, plano din nilang isulong ang random drugtesting at pinagaaralan nilang magkaroon ng pregnancy testing sa mga mageenrol sa paaralan upang masiguro na ligtas ang mga nagdadalang taong estudyante tulad ng pagbibigay sa kanila ng eksempsyon sa pagsusuot ng uniporme.

Bawal na aniyang tanggihan ang mga buntis na magaaral dahil sa batas o Magnacarta para sa mga kababaihan.