Mismong ang direktor ng Philippine Drug Enforcement Agency sa rehiyon ang nagtanggi na mayroon silang direktang partisipasyon o kinalaman sa naging pagpatay sa dalawang menor de edad sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.
Ayon kay PDEA BARMM Regional Director Gil Cesario Castro, mariin nilang itinatanggi na may kinalaman ang mga operatiba sa karumaldumal na pangyayari na sangkot ang dalawang bata.
Wala aniya silang inilunsad na operasyon sa nasabing lugar at hindi sila sangkot sa mga ganitong gawain taliwas sa mga kumakalat na mga tsismis o teorya sa social media.