Muli na namang nakasungkit ng mga medalya ang isang grupo ng mga batang Moro na lumahok sa isang nasyonal na torneo sa Taekwondo. Ito ay ang mga taekwondo jins ng rehiyon sa ilalim ng Kutangbato Taekwondo Fighter mula pa sa lungsod ng Cotabato na naging kalahok sa 2024 National Age Group Taekwondo Championship sa Ninoy Aquino Stadium sa maynila para sa Kyurogi Event.
Kasama ang kanilang Head Instructor na si Jiro Don Villasis, nakipagtagisan sa galing ang mga manlalaro ng rehiyon sa iba’t-ibang manlalaro ng bansa.
May kabuuang dalawang ginto, isang pilak at isang tanso ang naiuwi ng grupo sa rehiyon. Agad namang nag-paulan ng papuri ang Taekwondo BARMM Regional Chairman na si Byron Betita at sinabi nitong ang dedikadyon ng naturang grupo ang nagpapanalo sa mga ito.
Aniya, nagpapakita lamang ito na hindi na left behind o naiiwan ang mga atleta ng Taekwondo sa BARMM sa bawat laban nito mapa lokal, nasyonal at sa labas ng bansa.