Ayon kay CTTMC Chief Moin Nul, ito ang dahilan kung kayat nagkasalasalabat at nagmistulang EDSA sa maynila ang daloy ng trapiko dahil sa naturang paghuhukay.
Bigo aniyang magbigay ng abiso ang kontraktor ng nasabing pagawain sa CTTMC kung kayat di nila ito nagawaan ng hakbang o paraan. Sinalo naman ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa pamamagitan ng isang FB post ang galit ng mga naistranded sa trapiko sabay hingi ng pangunawa at paumanhin nito at pagtitiyak na kumikilos ang mga kinauukulang departamento hinggil dito.
Ipinag-utos din aniya ng alkalde na sa gabi o madaling araw gawin ang nasabing paghuhukay upang di makaabala sa daloy ng trapiko. Sa huli, pinayuhan ni Mayor Matabalao ang mga naperwisyo na maging positibo at mahinahon sa lahat ng panahon dahil hindi naman ito umano sinasadya at ngayon lamang daw ito nangyari.