Nailibing na ang pamilya na nasawi sa tinaguriang Malasila Accident sa Makilala North Cotabato nitong nakaraang linggo.
Labis ang pighati ng mga kaanak ng pamilyang Pamplona habang inihahatid ang mga labi ng kanilang kaanak sa isang farm lot ng pamilya kung saan inilibing ang mga ito.
Ang mag-asawang Christina, Joel at ang limang taong gulang nitong anak na si Jeremiah ay kasama sa walong nasawi ng ararohin ng truck na nawalan ng preno ang mga sasakyan sa daan sa nasabing lugar.
Kasama rin sa nasawi ang driver ng naturang truck na nagdulot ng aksidente.